Mabilis.
Mabilis akong:
- Maka-appreciate. Makita ko lang talaga na may katiting na effort, super appreciate ko na yung isang bagay.
- Magpatawad. Yung tipong sinabi ko sa sarili ko na matagal kong hindi kakausapin yung isang person lalo na kung sobrang nahurt ako sa sinabi or ginawa niya. But then, isang sorry lang kahit alam kong hindi ganun ka-sincere nafoforgive ko na agad. Madali ko ng makalimutan yung ginawa niya :|
- Makaalala ng names. Kaya pag di nila naaalala name ko, nagtatampo ako ng bungga. Kasi ako kahit anong hirap ng spelling, naaalala ko talaga. Kaya nakakatampo lang pag di nila maalala yung akin. Hindi lang sa name actually, mga birthday and all. Ayun.
- MAINLOVE. Nah! As in sobra talaga kong mabilis sa part na to. But Im not the type na sinasabi ko dun sa person, sinasarili ko lang. Forever Alone ang peg ko. Haha! Minsan ang OA na nga sa sobrang bilis. Lalo na pag inaalala niya ako ng bungga. Super andami niyang naaapreciate. Tapos pag lagi ko siyang kausap. Yung feeling na kahit nonsense yung topic, enjoy paden. Napapatawa ko ng bungga, super plus factor to. Grabee. Ang bilis lang. Makita ko lang yan sa characteristics niya, inlove na akey. Siguro hindi naman inlove agad, like muna.
- And, Ma-fall out of love. Yes. Kung gano ako kabilis mainlove. Ganon din pag hindi na. Siguro okay na din yun. Kasi, ang pangit naman pag ang bilis kong mainlove tas ang hirap kung magmove on or something. Mafeel ko lang na ayaw na niya, kahit wala pa siyang sinasabi, priniprepare ko na yung sarili ko. Para hindi ganun kasakit. Ayoko kasing magmukhang kawawa in the end.
Ewan. Ang bilis lang talaga ng takbo ng bagay-bagay sa buhay ko. Hay life!
-
ekasitangaako liked this
-
kumakabognapuso liked this
-
selosangpalaka liked this
-
foreverkinikiligsayo liked this
-
bittersileana reblogged this from bittersileana
-
pahinginglovelife liked this
-
bittersileana posted this