Received a SMS kanina na yan ang laman. Good vibes quote for the day daw. And may kasama pa na “Kaya smile ka jan! Walang hindi naayos. Lahat ay posible. Yakang yaka mo yan!”
Kung ganyan ba naman lagi ka positive ang narereceive mo na msgs araw araw, eh di mahihiya akong maging negative thinker sa mga bagay bagay. May mga classmates kasi ako na umagang umaga, ang emo na agad ng GM. Nakakawalang gana. Pwede naman mag-emo pag bandang pagabi. Pero lahat ng magGM ng emo ng bandang 6am-11am ay deserve makareceive ng reply na “WEH?” Hahahaha.
Ngayon nalang ule ako maglalagay ng GIF sa personal post. Namiss ko ‘to. Hahaha! Alam ko walang connect yung gif pero ipush ko padin yan. Yun lang naman. Ge. Masaya ako, makakakain ako ng Mcdo fries bukas. Namiss ko yun. Ge ulet.

- Kung gustong -gusto mo, i-reblog mo.
- Kung gusto mo lang, like lang okay na.
- Kung tinamad kang basahin, save mo muna sa draft.
- Kung nakaka inspire, gamitin mo para sa next post mo.
- At kung ayaw mo, wag mong pansinin.
Hindi kasama sa choices mo yung
- Mang-hate dahil sa nabasa mo.
- Kumontra ng kumontra.
- O kopyahin para i-post ulit.
Simpleng galawan sa Tumblr na madali namang gawin, may ilan lang talagang nakakalimot kaya dapat paalalahanan. ;)
Akala ko pag-online ko ngayon, wala na akong maabutan na pictures sa TSAMU. Mas madami today kesa kahapon. Hahaha! Okay lang, hindi talaga ako bitter sa ganyan. Medyo nainggit lang ako sa mga nakapagpapicture kay juankulot. Yaan nalang, abangan ko nalang yung FEU theater guild, dun sure ko siyang makikita ule at with picture ng kasama. Hahaha!
Goodafternooooooooon. :”>
Ako kasi yung tao na madaling mahawaan ng mood ng kung sino. Kung nakakita or nakaencounter ako ng galit, usually, nagagalit din ako. Kung emo, nag-eemo ako, kung walang bilib sa sarili, nagiging ganun din ako. Ang bilis ko lang maapektuhan sa mga emotions ng iba’t ibang tao.
Kaya as long as pwede, I want to be with those people who have a positive attitude. Kasi kahit ayoko ng negative sa buhay ko, once na nakasalamuha ako ng ganun, for sure mahahawa ako at madadala ko na ng buong day. Kaya dapat happy lang. Parang ngayon, halos puro emo yung dash. Ayun nag-eemo tuloy ako. Ba yan. May namimiss tuloy ako. Kalerks. Ayun, reblog naman kayo ng porn, chos lang. De, reblog nalang ng pagkain para masaya.
Gustuhin ko mang mag-safe dash, hindi ko magawa kasi wala ako nung Missing E. Hahahaha! Enjoy naman tignan yung mga pictures nila ah. Masaya ako para sakanila. Hahaha. Ang ayaw ko lang makita if ever na pictures yung magpupunta ng TEKMU. Bukas na yun diba? Nakakainggit lang eh. Ang tagal ko ng nagpunta dun. 3rd year HS pa ata. Kaya gusto ko ule magpunta pero hanggang gusto nalang ata yun. Antayin ko nalang yung Disneyland Pampanga, mas malapit. Hahaha.
Kagigising lang pala. Goodevening. Cuddle weather e no. Yun nga lang walang ka-cuddle. May narealize lang ako kanina habang tumitingin ng pictures nung college, nakakamiss isuot yung bag pack ko. Ngayon lady bag na dapat. Hay. Yun lang. May maipost lang talaga ‘to. :>
Heps/LBM. Bakit Heps? Kasi alam namin na if ever magkasakit kami, hepatitis yun. For the reason na lagi kaming kumakain sa HepaLane sa FEU ng isaw at buko juice. Bakit LBM? Kasi Leana, Brix, Mhay. Yun lang! Ang baho ng name ng group no? Pero okay lang, masaya naman kami. Genuine happiness lagi pag kasama ko yang mga yan. Hindi lang halata. Hahaha!
Last Saturday yan, nagpunta kami sa Rizal Park, Paco Park and Fort Santiago for our final project in Rizal. Super ngarag that day, ang layo ng nilakad namin. Pero keri lang. Pinaka-fave shot ko yung jumpshot sa Rizal Park, ang kyot lang! Ang galing ni Manong Guard na nagpicture niyan. Happiness :)
May picture din kami ni Mhay and Brix sa Luneta. So I therefore conclude, pumunta din kame ng TSAMU. Maipilit lang. Ge.
FANSIGGGGGGNNNNNNN
Hindi ako pupunta. Chararat ko lang yung title ;) Goodmorninngggg.
Kung makapagmeetup later naman ako. Kala mo naman sasama ako sa TSAMU na yan. Hahaha! Kahit malapit lang yung Luneta, nakakatamad pa din pumunta. Unang una sa lahat ang init tapos wala naman akong kaclose na mga pupunta dun. Baka OP lang ang abot ko. Hahaha! Hindi naman ako naiinggit pag may ganyang meet-up. Unless yung EK meet-up. Ang tagal ko ng hindi nakapunta sa EK. Matagal na naming plano na magpunta ule dun pero hanggang plano nalang ata. Hahaha!
Ayun lang. Goodmorninggg. Kasalukuyang nagcucustomize ng blog ng pinsan ko. Tapos nakakainis yung name ng caller ko ngayon lang. Nakakairita. Ang kulit :/
Goodevening. Mapa-umaga or gabi, sabaw to the nth level pa din. What’s new. Excited na ako mag Saturday dahil makikita ko na si Gio. Whut. Nakakainis yung kahit wala ka namang kinalaman i-memention kapa sa twitter, Kajirits yung mga HS kong friends na mga yun. Hay. Tapos mas nakakajirits yung ilang days ng puro game request yung notif ko sa FB. Gusto ko sana iblock yung games pero hindi ko alam. Kaya pag ako nainis, iuunfriend ko yung mga request ng request. Bitch me. Hahahaha!

